Edu Manzano binawi ang tsismis sa date nila PNoy at Grace Lee

AGAD BINAWI ng aktor at TV host na si Edu Manzano ang kanyang naunang tweet sa online site na Twitter hinggil sa pagde-date umano nina Pangulong Benigno Aquino III at TV host Grace Lee sa Greenhills sa kalagitnaan ng mataas na sikat ng araw ngayon lamang.

Ito ay makaraang kumpirmahin ni PNoy na nasa Malakanyang siya mula umaga hanggang hapon at pinangunahan ang isang pulong sa mga opisyal ng NEDA.

Binuweltahan din ni PNoy si Edu sa pamamagitan ng pagsasabing ang katulad ng aktor ang kailangan na bigyan ng trabaho para may magawa at hindi yaong gumawa lamang ng walang kwentang tsismis.

Inamin naman ni Edu na nakuryente siya sabay bawi sa maling balitang nasagap

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply