Electronic tricycle inilunsad ng DOE

HINDI na nangangamba ang Department of Energy (DOE) sa pagtaas ng presyo ng langis matapos na ilunsad nila ang electronic tricycle (e-trike).

Ayon kay Energy Secretary Jose Rene Almendras, napili ng DOE ang disenyo (ng e-trike) ng sampung kabataan na kanilang pinarangalan.

Mula sa 180 sumali, napili nila ang pitong finalist na sina Arvin Kim E. Guinhawa (Batangas City), Marciano H. Santos Jr., Marciano H. Santos Jr. (Las Pinas City), Jan Mikol R. Avellana (Pasig City), Joel C. Albacete (Zambales), Vincent Jo B. Hipolito (Quezon City), William O. Moraga (Las Pinas City) at Theodore R. Miraflores (Negros Occidental).

Nakatanggap finalist ng P50,000 bawat isa.

Pinakamaganda naman ang disenyo nina Norriele Ace Serrano ng Mapua Institute of Technology, Julius P. Valiente ng University of the Philippines at Allen Marie R. Pilares ng Batangas State University.

Nakapag-uwi naman ang tatlo ng P200,000 bawat isa.

Ani Almendras, ito ang ipangtatapat nila sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis dahil hindi ito gaanong magastos sa kuryente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply