‘Emergency power’ kay PNoy oks kay Binay

PABOR si Vice President Jejomar Binay na pagkalooban ng Kongreso ng ‘emergency power’ si Pangulong Benigno Aquino upang maresolba ang lumalalang krisis sa kuryente sa Mindanao.

Sa panayam kay Binay sa kanyang pagdating sa bansa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kagabi, Marso 28, sinabi ng ikalawang pangulo ng bansa na magiging mabilis ang aksyon ng executive department sakaling mabigyan ng mga mambabatas ang Punong Ehekutibo ng panandaliang kapangyarihan para matugunan ng pamahalaan ang problema ng brownout sa nasabing rehiyon.

Inihalimbawa pa ni Binay na noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos ay nabigyan ito ng ‘emergency power’ ng Kongreso upang masolusyunan ang problema noon sa elektrisidad at nagsimula sa pagkakaroon ng independent power producers (IPPs) sa hanay ng sektor sa enerhiya.

“Yes. Noon pa man, noong panahon ni President Ramos, during situations like this, he was given emergency power. Kasi when you’re given an emergency power, madali ang action ng executive department,” sang-ayon pa kay Binay.

Idinagdag pa ng Bise Presidente na mabigat na problema sa enerhiya kaya hindi na ito dapat pang lumala at ang pangunahing solusyon ay ang pagbibigay ng ‘emergency power’ sa Pangulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply