‘Emotional Eater’ ka ba? Alamin…

SINABI ni Carol Cottrill, isang certified nutritional consultant, na ang emotional eating ay kapag ang tao ay kumakain nang hindi naman talaga nagugutom.
“Idinidikta ng emosyon ang pagkain sa halip na internal cues ito na idinisenyo para gabayan tayo sa pagkain kapag tayo ay nagugutom at tumitigil kapag busog na,” sabi ni Cottrill.
At ito ay nakatatatakot dahil ang “mindless at emotional eating” ay nagreresulta nang pagdagdag ng timbang at pagmumulan pa ng health- related issues gaya ng type 2 diabetes, heart disease, at high cholesterol.
Bukod pa sa physical health risks, ang overweight individuals ay maaari ring magdusa sa depression at isolation, na tanging umiikot lang sa cycle ng emotio-nal eating.
KUNG KUMAKAIN KA DAHIL NAIINIP
Nagbabala naman si Nicole Palacios, personal trainer at fitness pro sa Van-couver, Canada, na kung kumakain ka dahil bored ka o nagpaplanong maglagay ng pagkain kapag nasa harapan ng TV shows o iba pang activities (na hindi para sa nutritional purposes), ikaw ay maihahalintulad sa emotional eating.
May ilang mga pagkain na nakapagpapaligaya sa iyo sa isang araw, o kapag pakiramdam na walang pahinga, pero kailangng kumain ka lang pag nagu-gutom at hindi para gu-manda ang pakiramdam.
Nagbabala si Palacios na ang emotional eating ay nagiging sanhi sa pagkon-sumo ng extra calories nang di nalalaman mula sa fat at sugar—na mga pag-kaing nagpapakiramdam ng maganda sa iyo.
Hindi mo rin napapansin ang dami ng iyong kinakain, na napaparami na pala ang calories na nakokonsumo mo. Kung gayon, sigurado ang pagtaba mo!
KAPAG PAKIRAMDAM NA BALISA AT STRESSED
Ang anxiety at stress ay nauuwi sa emotional eating, sabi ni Amie Valpone, culi-nary nutritionist at personal chef. Trabaho, pamilya at pera ang nagpapa-stress , kasama pa ang kakulangan sa pagtulog.
“Maari itong maging mapanganib na kumbinasyon para sa mga may problema na kumokontrol sa pagkain, nagkakaroon ng kaugnayan ang damdamin sa pagkain,” sabi nito.
(May karugtong)
loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply