Empleyado ng bangko binoga sa ulo, dedo

UTAS ang isang empleyado ng China Bank matapos barilin sa ulo ng riding in tandem habang nasa tapat ng kanyang sasakyan ang una sa Binondo, Maynila kaninang umaga.

Idineklarang dead on arrival sa Metropolitan Hospital ang biktima na si Edwin Lao, 36, Counting Clerk sa China Bank, Binondo Branch.

Mabilis namang tumalilis ang suspek na riding in tandem matapos maisagawa ang krimen.

Sa report ni SPO4 Alberto Mapilisan ng Manila Police District (MPD)-Station 11, dakong alas-9:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa harap ng China Bank na nasa panulukan ng Sto. Cristo at Comercio st’s., Binondo, Maynila.

Sa imbestigasyon, pumasok ng bangko ang biktima ngunit muling bumalik ito sa kanyang sasakyan dahil mayroon itong nakalimutan. Sa puntong ito lumapit ang suspek at walang sabi-sabing binaril sa ulo ang biktima.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at inaalam ang motibo ng pagpatay sa biktima.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply