Empleyado ng Manila City Hall utas sa parak

PATAY ang isang empleyado ng Manila City Hall matapos na pagtulungang bugbugin ng isang pulis Pasig at tatay nito sa Tondo, Maynila, ayon sa ulat ngayon.

Sa report nakilala ang biktima na si Leopoldo dela Cruz, mekaniko at driver sa Manila City Hall.

Tinutugis naman ang mag-amang suspek na nakilalang si PO1 Reynor Lopez at ama nitong si Rafael.

Nabatid na nagalit ang mag-amang suspek nang akusahan sila ng biktima na nagpapaharurot ng kanilang motorsiklo sa panulukan ng Fabia at Dela Reina streets sa Tondo, Maynila.

Ikinagalit ito ng mag-ama kaya bumalik sila kinatatayuan ni Dela Cruz at pinagtulungang bugbugin ang biktima.

Naisugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Dela Cruz ngunit namatay din ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply