Energy Summit pangungunahan ni PNoy

BUNSOD ng lumalalang krisis sa suplay ng kuryente sa Mindanao, pangungunahan ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang Energy Summit doon.

Tiniyak ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na sa oras na makabalik na si Pangulong Aquino mula sa Cambodia dahil sa ASEAN Summit ay agad na isusunod naman nito ang Energy Summit sa nasabing rehiyon.

Sa Abril 3 hanggang 4 ay nasa Cambodia si Pangulong Aquino at sa pagbabalik nito sa Pilipinas sa Biyernes Santo ay magbabantay na ito sa mga bus terminals, sea at airport.

Naniniwala si Valte na importante ang napipintong pagkikita-kita ng mga stakeholders para maipaliwanag ang tunay na kalagayan sa supply ng kuryente sa Mindanao.

Aniya, dito ay mapag-aaralan ang sitwasyon at makabubuo ng tamang solusyon.

Sa kabilang dako, wala namang plano si Pangulong Aquino na buhayin ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) sa harap ng nararanasang power crisis sa Mindanao.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, pinag-aralan noon ang posibleng paggamit ng BNPP pero itinigil dahil sa nangyari sa planta nukleyar sa Fukushima, Japan.

Aniya, mas pinagtutuunan ngayon ang pagsasaayos ng mga hydro-power plants sa Mindanao, gayundin ang pagtatayo ng ibang power sources.

Nakiusap rin ang Punong Ehekutibo sa mga taga-Mindanao na pagtiisan muna ang mas mataas na singil sa kuryente dahil sa gagamiting power barges.

Bukod sa power shortage, asahan din ang pagtaas sa bayarin ng kuryente hindi lang sa Mindanao kundi sa buong bansa simula sa buwan ng Mayo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply