Engkanto sa Sierra Madre (3)

Ang pagpapatuloy…
Matapos ang mahigit isang oras na tagayan, tinamaan nang husto si Ka. Kervin. Nakatulog siya sa bangka.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Lumipat siya sa isang cottage na may anim na metro ang layo mula sa aming kinaroroonan. Siya lang mag-isa roon.
Ayon pa sa pahayag ng ilan naming kapatid sa samahan, naka-lock ang pinto ng kuwarto ng cottage pero hindi raw si Ka. Kervin ang nag-lock.
Akala namin, hindi na kami makauwi nang hapong iyon dahil hirap nang magising si Ka. Kervin.
Makalipas ang ilang oras ay natuklasan ni Ka. Kervin na nawala ang kanyang pitaka nang magising siya. Walang nakakaalam sa amin kung paano iyon nawala. Pero, nakita na ito noong nakaraang araw lang. Pag-uwi namin ng hapong iyon ay na-flattan ng gulong si Ka. Rolly Malupa sa isang liblib na lugar sa may Tanay na sakop pa ng Sierra Madre, dakong alas-11:30 ng gabi.
Habang inaayos ang gulong, nilapitan ko si Ka. Kervin at dito nila ibinalita sa akin na isinugod daw sa isang ospital sa Tagaytay City ang kanyang misis. Bigla raw sumakit ang tiyan nito.
Napakamot ako sa ulo dahil mukhang tinamaan ng malas si Ka. Kervin nang araw na iyon. Binulungan ko na lang siya na ‘pagsubok lang iyon.”
Natuklasan namin na ang ‘yung pinaghintuan naming lugar ay una ring stopover din namin nang magtungo kami sa Real nang araw na iyon. May punenarya roon na ‘di kalayuan sa aming kinaroroonan.
Kinabukasan ng gabi, pumanaw ang misis ni Ka. Kervin. Ang findings ng doktor ay diabettes na labis na ipinagtaka ni Ka. Kervin. Paanong diabetes? Lumabas sa pagsusuri ng doktor na may nakitang tatlong pitsel na tubig sa loob daw ng tiyan ng misis ni Ka. Kervin.
Makalipas ang isang linggo, nagtungo sa burol ang mahigit sa 50 riders sa bahay ni Ka. Kervin sa Mendez para makiramay.
Ang ipinagtataka namin ay kung bakit nasa bandang kanan ang ulo ng bangkay ng misis ni Ka. Kervin. Hindi ba dapat nasa bandang kaliwa?
Napagtagpi-tagpi namin na ang salitang kamagong na nabigkas ni Ka. Aaron ay kabaong?
Ayon naman kay Ka. Ronnel De Guzman, ang kabaong daw na ginamit sa kabaong ng misis ni Ka. Kervin ay gawa sa Narra? Inaalam pa namin ito.
Napagtagpi-tagpi rin namin na kaya hirap si Ka. Kervin sa Kurbada at sa pagpapatakbo ng kanyang motor, at mabilis din siyang naubusan ng gasolina dahil may angkas siyang engkanto? Si Ka. Jocelyn Denosta ay may pahayag din tungkol kay Ka. Kervin nang una niya itong makita.
Ang tanong, totoo bang may engkanto sa Sierra Madre?
Isa lang ang sagot namin… isang malaking “OO”!
***
PHLRC OFFICERS
President: Ronnie Terrado      – 09237117445
Vice President: Ernesto Padigdig  – 09165929956
Visit our website:   http://phlrc.tripod.com
GUSTO MO BANG SUMALI SA PHLRC?
Mga requirements:
* Male / Female
* 18-50 years old
* May motorsiklo (any brand & model)
* 100cc-200cc
* May trabaho o negosyo
* Biodata with 1×1 photo
* Xerox copy of Driver’s License & OR/CR
* Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan & Rizal residents only
09184141717
Cavite / Las Piñas / Parañaque
09398828067
Manila
09334170958
Pasay / Taguig
09151023307
Makati
09215879895
Caloocan
09228021913
Navotas / Malabon
09235244646
Bulacan
09061202155
Pangasinan
09461622134
Marikina / Rizal
09229405587
09225348486
Quezon City
09239484710
Novaliches / Fairview
09323132075
San Juan
09085729710
Mandaluyong
09163814036
Laguna
Maaari ring
mag-inquire o
mag-apply ng personal sa
PHLRC / REMATE NEWS CENTRAL
2nd Floor National Press Club Bldg.,
Magallanes Drive, Intramuros, Manila
Hanapin si Ka. Jupiter Spider
Mula alas-3:00 ng hapon hanggang
6:00 ng gabi
Contact Nos: 09233135098
09392554401
NO MEMBERSHIP FEE!
loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply