Enrile kay PNoy: ‘Wag maging balat sibuyas

PINAYUHAN ni Senate President Juan Ponce Enrile si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na huwag maging “balat sibuyas” sa panibagong banat sa kanya ng mga kritiko ng administrasyon.

Kaugnay ito, sa pinauuso ng mga militanteng grupo na “Noynoying” kung saan isinasalarawan ang Pangulo na tamad at walang ginawa kundi tumunganga.

Sinabi ni Enrile na hindi ito dapat seryosohin ni Pangulong Aquino kung ayaw nitong maloko.

Ipinaalala pa ng senador kay Pangulong Aquino na dapat lamang nitong tawanan ang mga naturang banat dahil kasama sa pulitika ang inggit, galit at paninira.

Aniya, sa katunayan, maging siya ay tinatawag hanggang ngayon bilang matador, diktador at martial law administrator.

Idinagdag pa ni Enrile na hindi makatwiran na lahat ay iasa sa Pangulo ng bansa dahil may itinalaga itong mga miyembro ng Gabinete na una sa mga dapat umaksyon sa mga problema ng Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply