Erich at Derek parehong feel na feel ang role sa ‘Corazon: Ang Unang Aswang’

PARA sa bankable actor na si Derek Ramsay, sa lahat ng nagawa niyang film ay kinu-consider nito na ang Corazon: Ang Unang Aswang na first team-up nila ni Erich Gonzales ang kanyang favorite project. Ayon kasi kay Derek hindi ito full lenght horror. “This is very different kasi 50-50 s’ya! Most horror stories puro straight horror hanggang end ng story. Ito, it’s a horror story pero ang ganda ng love story rito! It really shows what true love is all about. ‘Yun ang difference n’ya.”

Puring-puri ng nasabing hunk actor ang leading-leady niya sa pelikulang ito, “She is one of the most talented young stars now! She can really act very-very well! Very professional and very versatile,” very proud pang pagbibida ni Derek kay Erich.

They play childless husband and wife whose love for each other and spiritual faith is put to test when tragedy strikes their first born.

Say pa ni Erich, “Nung sinabi sa akin ‘yung story nagulat ako! Kumbaga, first time ko makagagawa ng project na out of the box! Na hindi ‘yung normal lang or usual na horror movie!”

At patuloy pa nito, “Kuwento ito ng dalawang taong sinubok ‘yung pagmamahalan nila and na-test din ‘yung faith nila, ‘yung love, ‘yung committment nila sa isa’t isa. ‘Yung for better or worse, mamahalin nila ang isa’t isa no matter what. Unconditioned and unfailing love. ‘Yun ang isa sa nandito sa movie na ‘to. Makikita mo rin dito na life is a choice.”

Sa tuwing nagkakasama sila ni Derek sa eksena ay bilib sa kanya ang actor dahil talagang nabibigyan nito ng justice ang kanyang role na talagang katatakutan siya ng moviegoers. Kahit ang director nila na si Richard Somes positive rin ang komento nito kay Erich, “Erich is so beautiful on screen. Having worked with her in the hit teleserye Maria la del Barrio, ang aura n’ya Filipina and medyo may pagka-enigmatic raw rin s’ya, meaning ang emotion realistic lahat hindi staged, hindi planado.”

At kay Derek naman, “With Derek, ‘yung aura malakas! Kung ikaw ang babae iisipin mo agad puwede ka n’yang protektahan. Bukod kina Erich at Derek kasama rin sa Corazon: Ang Unang Aswang sina Mark Gil, Tetchie Agbayani, Epi Quizon, Mon Confiado, Dan Alvaro, Sue Prado, Sharlene San Pedro, Bodjie Pascual at Ma. Iabel Lopez. Sa March 14 na ang grand opening day nito sa over 100 theaters nationwide. Ito ay hatid ng Star Cinema, Skylight Films at Reality Entertainments.

****

Jose Manalo, inilugmok na noon sa katakut-takot na utang, sinisiraan pa ngayon sa mata ng publiko

SA MGA hindi aware, ang feeling nila kinawawang masyado ni Dabarkads Jose Manalo ang kanyang misis na si Analyn. Sa kanyang interbiyu kasi sa The Buzz last Sunday ay hindi binanggit ng babaeng ito kung ano ang mga kasalanang nagawa niya kay Jose kung saan inubos nito ang kabuhayan ng komedyanteng host dahil sa ambisyong maging alahera at, in the process, nagkabaon-baon sa jewelry scam. Kahit na inosente ito sa mga maling diskarte ni Analyn ay hinarap ni Jose ang kaliwa’t kanang estafa cases ng misis na halos wala na siyang mukhang iharap noon sa publiko. At kahit na lugmok na lugmok na sa kagagawan nito, naglakas-loob pa rin siya para makabawi at masuportahan ang kanyang mga anak sa pag-aaral ng mga ito kasama ng iba pang expenses ng pamilya. Sa kanyang mga problemang pinagdaanan ay hindi iniwan si Jose ng kanyang Eat Bulaga Dabarkads at bossing na si Sir Tony Tuviera at manager na si Ma’am Malou Choa-Fagar dahil naniniwala ang mga ito na wala siyang kasalanan.

Tapos, ngayong nakakabawi na si Jose, biglang susulpot na naman itong si Analyn at nagpa-interview at ipinagsigawan na mahal na mahal pa niya ang mister.

Siguro nga, pero ang tanong? Matapos niyang ipahiya si Jose sa kanyang mga atraso sa iba’t ibang tao, dapat pa ba siyang pagkatiwalaan ng ama ng kanyang mga anak?

Masuwerte siya at tahimik lang si Jose at ayaw siyang siraan nito dahil ina siya ng kanyang mga anak.

One thing more, dapat pa bang isapubliko ang mga ganitong usapin? Hindi ba dapat alang-alang na lang sa mga anak nila na hindi naman pinapabayaan ni Jose ay manahimik na itong si Analyn lalo pa’t malaki ang pagkakasala niya sa mister? Kung ‘yung mga sweet ngang couple riyan ay naghihiwalay, bakit hindi naman siya na maraming ginawang nakahihya sa kanyang asawa? Gustong maging donya at maka-level ang mga mayayaman, hindi naman niya carry. Kaya hayun katakut-takot na utang ang ipinasa nito sa kaawa-awa at nagdusang husband. Ngayon mabi-blame ba ng Annalyn na ito si Jose kung totoo ‘yung ibinibintang niya na may bagong babae na sa buhay ng sikat na comedian?

Lukresia kasilag gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply