Erich Gonzales palamura sa driver at katulong!

HINDI lang isa kundi maraming beses na naming narinig ang mga kuwentong sobrang sungit sa driver at katulong si Erich Gonzales. Sobrang maldita raw ang starlet na ito at dito nga umiikot ang mga kuwento sa kanya.

Did you know, true pala yung siya pa ang nagmaldita noon kay Angelica Panganiban matapos madiskubre ng huli na tinangka niyang agawin si Derek. Yes, true yung inuwi sa Tagaytay si Erich at alibi lang yung kesyo fan ang nanay ni Derek ni Erich kaya ni-request na isama ito sa bahay nila.

Hahaha! May ganun? Sosyal ang nanay ni Derek at ang buong pamilya niya kaya nunca na gawin yung magpauwi sa bahay nila ng mga artistang gusto nila.

Super katsipan yung ganun.

At kung ganun na nga, true yung talagang kumerengkeng si Erich kay Derek. Mabuti na lang nagmarakuloyo si Angelica kaya di natuloy ang masamang balak nito kay Derek (May ganon, Sar? Hahahahaha! Bongga naman ang source mo! – Ed).

Sabi nga ng mga istorya, maldita at masama’ng ugali ng Erich na ito kaya posible talagang ginawan niya nang ganon si Angelica (Hearsay lang pala, ganon ba ‘yun, Sar? – Ed).

Going back to the katulong and driver ek, may kuwento kung gaano kalutong magmura sa maid at alalay si Erich. Na kung pagsalitaan niya ang mga ito, tipong nabili na niya ang buhay nila.

Yung episode sa driver na inutusan ni Erich sa medyo malayong lugar pero pinaglakad na lang daw para di magasgasan ang kotse, true din daw yun. Malupit daw talaga sa driver at katulong si Erich.

***

Close kasi kay Dennis Trillo…
Gwen Zamora pinagseselosan ni Bianca King

SOBRANG selos daw ang ipinararamdam ni Bianca King kay Gwen Zamora dahil sa maraming romantic scenes nila ni Dennis Trillo sa Biritera ng GMA7.

“Someone told me about it but di ako naniniwala as I’m sure Bianca knows it’s just part of our job,” sangga ni Gwen.

Nakaragdag pa sa selos factor ni Bianca yung very open si Dennis sa pagbigay ng mga papuri kay Gwen. Bukod daw kasi sa maganda na ito, mahusay rin daw pala itong umarte. Matagal na raw niyang kasama si Gwen pero ngayon lang niya na-realize na mahusay nga raw pala ito.

“Thanks for the good words,” sabi ni Gwen. “E, pag si Dennis naman ang kaeksena mo, mai-inspire ka talaga kasi napakagaling niya. As Iris in ‘Biritera’, I can feel Dennis brings out the best sa mga kaeksena niya. This week, susuntukin niya si Neil Ryan Sese as Eric kasi he thought niloko nito’t iniwan ang nanay niya, si Glenda Garcia.”

Bukod sa Biritera, Gwen is also in the movie My Kontrabida Girl and the movie she did in Indonesia Witness. “Sa Kontrabida Girl, ako ‘yung leading lady sa movie at si Rhian ang kontrabida ko. You should watch out for that scene na sasampalin niya ako’t bubuhusan ng tubig. “But in real life, ako ang kontrabida sa buhay niya dahil feeling big star ako and I complain sa sobrang lakas ng pagsampal niya sa’kin. As for ‘Witness,’ mauuna siyang ipalabas rito sa atin then it’ll be shown in Indonesia in April, so pupunta ako roon to help promote it there.”

Gwen used to be accompanied by her French dad who’s a chef. Lately though, we noticed her dad is not with her anymore. “He accepted a job in Dubai and my mom joined him there. Naiwan ako rito with my sister.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply