Erich Gonzales silent box office star

LIKE “I Do” na launching movie nila last year ng kalabtim na si Enchong Dee ay small budget rin ang latest starrer ni Erich Gonzales na “Corazon: Ang Unang Aswang” opposite Derek Ramsay. Pero nakatutuwa namang malamang  kahit isang indie film lang ang movie nila ni Derek ay kumita ito ng P7 million sa unang araw ng showing nito last March 14. As we heard, patuloy na tumatabo ito sa takilya kaya bale two box office hits na ito ni Erich na hindi man maingay ang pagiging bankable ay ‘yun ang totoo dahil tinatangkilik talaga ng mga fans ang kanyang mga pelikula. Sa ganda ng resulta ng mga project niya, malamang pinag-iisipan na ngayon ng Star Cinema ang solong launching movie para sa sikat na young actress. Puwedeng mag-remake ng sexy movies noong 80’s itong si Erich at sa aming palagay, rito na talaga niya makakamtan ang stardom.

Star material naman kasi talaga ito at maganda na ang face at body, pagkahusay-husay pang umarte. Kung happy ang Star Cinema, Skylight Films ni Sir Enrico Santos at Dondon Monteverde ng Reality Entertainments sa outcome na Corazon, how true sad naman ang GMA Films sa naging resulta ng My Kontrabida Girl? Tama si kaibigang Abe Paulite. Dapat pagpahingahin muna si Rhian sa paggawa ng movie at mag-concentrate na lang muna ito sa TV dahil may pag-asa pa ang controversial young actress rito. Sad story gyud!

***

Unfair para kay PAO chief Persida Acosta na kuwestiyunin ang kanyang Darling Of The Press Award sa PMPC

WE HAVE nothing against Annabelle Rama pero hindi naman sila dapat intrigahin ni PAO chief Persida Acosta, na nakasungkit ng Darling of The Press award sa PMPC Star Awards for Movies na ginanap last week. Sabi kasi ng kampi kay Tita Annabelle, siya raw dapat ang binigyan ng award ng PMPC at hindi deserved ni Atty. Acosta ang parangal na tinanggap.

Well, hindi siguro naiimbitahan sa mga presscon ng sikat na PAO chief at host ng malaganap na Public Atorni: Asunto O Areglo na napanonood Lunes hanggang Biyernes ng 4:45 pm a TV5 kaya hindi nito nawi-witness kung gaano karaming press people ang invited sa bawat presscon nito sa mismong upisina niya riyan sa may NIA Road Quezon City na si Ms. F ang nag-iimbita.

Sa mga event nga ni Tita Annabelle at mga alaga nito, piling-pili lang ang invited ng publicist nilang si Jun Lalin. So for us, tama ang naging desisyon ng PMPC na sa nasabing PAO chief ibigay ang parangal at hindi siya darling of PMPC lang kundi certified Darling of The Press talaga. Di ba? Ms. F and Ms Mimi. Congratulations and cheers gyud to Atty. Acosta (Mabait naman at ma-PR si Tita Annabelle but let’s be honest, darling of the press talaga sa ngayon si Atty. Persida Acosta! – Ed).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply