Erich handa nang bumuyangyang

PAGKATAPOS ng critical and commercial success ng kanyang latest starrer na Corazon: Ang Unang Aswang, handa na raw si Erich Gonzales sa mga daring roles. Aniya, no more tweetums roles na for her.

“Ayoko naman na nu’ng mga pa-tweetums, ‘yung mga pa-sweet. Gusto ko kakaibang projects po at pag maganda ‘yung story, go po tayo riyan,” masayang sabi ni Erich.

After Corazon at ng Maria la del Barrio ay tila nagkaroon daw siya ng lakas ng loob sa sexy roles dahil nag-mature na siya bigla plus the fact na marami na rin siyang natutuhan in terms of acting experiences.

“Masaya po ako dahil nare-recognize po nila ‘yung acting skills ko. I don’t stop learning naman. Marami pa po akong gustong magawa,” pakli pa ng dalaga.

Ang susunod na gagawing project ni Erich for Star Cinema ay itong pagsasamahan nila ni Mario Maurer intitled

‘Suddenly It’s Magic’.

“When I met him po, talagang napaka-totoo niya, no air na celebrity, very sincere, napaka-humble talaga at very charming,” papuri nito sa bagong leading man.

“Itong movie na ‘to napakaganda ng kwento. I can’t wait na masimulan na, syempre ‘di ba pag binabasa mo ‘yung script iba rin ‘yung magagawa mo na. We’re all very excited talaga,” dagdag pa ng Kapamilya star.

***

May edad ng aktor papa’s boy pala

Hanggang ngayon ay hindi malaman ng aktor kung saan siya pupuntang TV network. Hindi siya makapag-desisyon. Naguguluhan sya. Paano naman kasi sa edad nitong mahigit kwarenta anyos ay sunud-sunuran pa rin pala ito sa kanyang tatay.

Kung ano ang sinabi ni fadir, yun ang kanyang susundin. Pag sinuway niya ito, kurot sa pwet ang aabutin nya. Hahaha! Ewan natin kung ano ang mangyayari sa relasyon nito sa isang sexy star na nababaliw-baliw na sa kanya dahil sa tagal nilang nagtsu-churvahan, este, magkasintahan, walang malinaw na plano ang aktor sa relasyon ni- la. Panay pa ang pambababae at kahit fan ay inaaswang. Giatay!

Oh, sya, guess at your own risk! Hehehe!

***

Paula Bianca ang susunod na female rock star ng bansa

Mahilig kami sa rock songs, one thing na hinahanap-hanap namin nowadays. After Lou Bennevie, Sampaguita at Aegis band na medyo nawawala na rin sa eksena, wala nang ibang magagaling na Pinay rock singer tayong nabalita- ang sumikat sa local-tin-pan-alley.

Akala namin wala na kaming makikitang another Filipina singer ang lilitaw na may pagmamahal sa kategorya ng rock music, pero nagulat kami nang puntahan namin ang imbitasyon ni Tito Alfie (Lorenzo) na akala namin ay isang ordinaryong tsikahan lang.

‘Yun pala ay album launching para sa isang baguhang recording artist ng Vicor Records na oozing with promise – her name is Paula Bianca. Graduate ng Masscom sa St. Scholastica and with high honors (magna cum laude).

Anyway, panay papuri namin sa nilalafang naming food sa Papa Dann’s Grille na matatagupan sa Macapagal Avenue, Pasay city dahil masarap namang talaga (Actually, nasira ang diet namin nung gabing ‘yun. Hehehe!) ang kani- lang mga luto lalo na yung buttered chicken, biglang bumara sa lalamunan namin ang aming nilalafang dahil sa pagbirit ni Paula ng kanyang carrier single na Napakasakit Naman from her self-titled album. Napatigil ang pag -lunok namin dahil sa napaka-powerful ng kanyang voice na minsan lang namin marinig sa ibang singers. Napaka-forceful ng kanyang rendition sa komposisyon na ‘to ni Vehnee Saturno.

Mas binonggahan pa niya ang pagkanta sa iba pang komposisyon ng sikat na kompositor sa mga revival songs na nakapaloob sa album nya katulad ng: Problemang Puso, Miss Na Miss Kita at Parting Time plus ang kanyang origi- nal songs na Napapaluha at itong Napakasakit naman.

Sigurado kami na sisikat nang husto si Paula dahil maliban sa magaling na singer, mabait pa at marunong makiharap sa ibang tao specially sa press. Well, kung ano ang puno ay siyang bunga. Katulad ng kanyang Papa Danilo na very kind, sweet and amenable sa lahat and a good singer also, kaya maganda rin ang bunga.

Idagdag pa ang paggabay ng kanyang manager na si Tito Alfie, na bagama’t sinasabi nilang mataray, but once you get to know him better, napaka-totoo niyang tao at may busilak na puso lalo na sa maliliit.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply