Erik Morales pinagreretiro ng WBC prexy

PINAYUHAN ni World Boxing Council (WBC) President Jose Sulaiman si Mexican legend Erik “El Terrible” Morales (52-8, 36KOs) na seryosong ikonsidera ang tuluyang pagreretiro sa boxing.

Si Morales, tumanggap ng matinding parusa sa kamao ni Danny Garcia at nabigong makuha ang timbang sa laban ay nagsabing lalaban pa siya ng isa pa sa Tijuana bago magsabit ng gloves.

Ayon kay Sulaiman, si Morales na isa sa naging biktima ng kamao ni Manny Pacquiao, ay hindi na makukuha ang junior welterweight limit.

Mahina na rin aniya ang tuhod kaya kailangan na nitong magretiro.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply