Eskwelahan pupulungin ng NCRPO vs hazing

PLANO ng National Capital Regional Police Office na makipagpulong sa mga pamunuan ng mga paaralan sa Metro Manila upang makahanap ng solusyon para mabantayan ang mga aktibidad ng fraternity at maiwasan ang hazing.

Ang aksyon ay matapos mamatay sa hazing ang San Beda law student na si Marvin Reglos sa Antipolo nitong Pebrero.

Ayon kay NCRPO head chief Superintendent Alan Purisima, nais nilang magkaroon ng listahan ng mga fraternity sa mga eskwelahan  na aktibo sa kasalukuyan.

Aapela din ang kapulisan sa mga lider ng mga fraternity na talikuran na ang kultura ng “violence.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply