Ex-boxing champ dakip sa panghoholdap

TIKLO ang dating World Boxing Federation (WBA) welterweight titlist na si William “The Black Mamba” Magahin matapos mangholdap kaninang madaling-araw sa Buntatala bridge, Jaro, Iloilo City.

Sa imbestigasyon, naganap ang panghoholdap ng suspek habang sakay ng pampasaherong jeep sa Zone 1, Barrio Obrero, Lapuz.

Nabatid na isang 53-anyos na babae na kinilalang si Rosalinda Bincolado ang biniktima ng suspek, kasama ang isang Jonathan Edrosolano.

Lumalabas na si Edrosolano ang nanguna sa panghoholdap at kumuha sa bag ng babae bago tumalon sa jeep na sinundan naman ni Magahin.

Itinanggi naman ni Magahin na kasabwat siya sa holdapan.

Taong 1991 nang talunin ni Magahin si dating world champion  Rolando Navarette.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply