Ex-Congresswoman Daza muling ipasu-subpoena ng NBI

MULING ipasu-subpoena ng National Bureau of Investigation (NBI) si dating Quezon City Rep. Nanette Castelo-Daza kaugnay sa pagkamatay ng dating karelasyon na si Noel Orate Sr.

Nabatid na hindi sumipot si Daza sa isnagawang re-investigation.

Bagama’t nagpahayag at nagpaliwanag ang abogado ni Daza na si Atty. Freddie Villamor, sa pagharap nito sa NBI Death Investigation Division, napagkasunduan nila ng kanyang kliyente na huwag munang dumalo dahil hindi pa naman kailangan at sa halip ay nagsumite na lamang ng affidavit ng dating kongresista, ni Bobby Castelo at dalawang tennis player na nakakita kay Orate bago namatay.

Sa affidavit na binasa ng abogado, nakasaad na nagkaroon pa ng isang oras na hostage-taking kung saan hinostage ni Orate si Jessica Daza.

Ayon sa NBI-DID, ipatatawag muli si Daza dahil kailangang personal  na magbigay ito ng kaniyang salaysay.

Mayroon pang hanggang Marso 17 ang NBI-DID upang makapaghain ng rekomendasyon sa Department of Justice (DOJ) kung pabibigatin o iaakyat sa murder ang naunang homicide na isinampa laban sa manugang ni Daza na si Bulacan Provincial Board Member Romeo Allan Robes.

Una nang inimbestigahan ng NBI-DID ang mga pulis mula sa Quezon City Police District na rumesponde sa naganap na pamamaril sa bahay ni Daza.

Kabilang sa isinalang sa interogasyon ay sina Supt. Ronnie Montejo, hepe ng QCPD Station 6; Sr. Inspector Gloriano Manalo at PO2 Wenzel Nojor mula sa QCPD Station 9; at SPO2 Joselito Gagaza ng Criminal Investigation and Detection Unit.

Ayon kay NBI-DID Chief Romulo Asis, malaki ang maitutulong ng salaysay ng mga nasabing pulis para mabigyang linaw ang totoong naganap nang gabing mapaslang si Orate.

Nauna nang humiling ng tulong ang anak ni Orate sa DOJ para imbestigahan ang kaso upang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng biktima.

Ayon sa kanyang anak na si Noel Orate Jr., hindi sila kampante na homicide lamang ang isinampa laban kay Robes matapos lumabas sa medico legal na malapitang binaril ang biktima, bukod pa sa hinahanap na video footage sa CCTV sa bahay ni Daza at dalawang guwardiya na posibleng nakasaksi sa pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply