Ex-DOTC Sec. Leandro Mendoza inatake sa puso

ISINUGOD sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City si dating Transportation and Communications secretary Leandro Mendoza matapos atakehin sa puso sa kanyang resort sa Batangas.

Ayon sa ulat sa telebisyon, under observation ang dating kalihim sa nasabing pagamutan dahil sa rami ng gamot na ibinigay sa kanya para sa paunang lunas.

Mamaya nakatakdang maglabas ng medical bulletin ang St. Luke’s.

Sinabi naman ng ilang kaanak ni Mendoza na marahil ay napagod ito.

Nabatid na napasalampak si Mendoza at napaupo nang atekehin.

Nitong nakalipas na linggo lamang ay naglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan 4th District laban kay Mendoza, dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating Comelec chairman Benjamin Abalos na may kaugnayan sa kaso ng kontrobersyal na NBN-ZTE deal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply