Ex-DOTC Sec. Mendoza nasa ICU pa rin

KASALUKUYAN pa ring nasa intensive care unit (ICU) ng St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig si dating Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Leandro Mendoza.

Nabatid na nakakaresponde na si Mendoza sa mga simpleng instructions tulad ng paggalaw ng daliri at kamay subalit medyo may kabagalan pa rin ang paggaling nito.

Matatandaang isinugod sa ospital si Mendoza noong Marso 17 matapos atakehin sa puso habang nasa kanilang resort sa Batangas.

Wala pa ring inilalabas na medical bulletin ang mga doctor ni Mendoza subalit nabatid na may blood clot pa sa lower extremities nito kaya hindi pa gaanong nakakapagsalita.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply