Ex-kapitan, anak ng kagawad utas sa duwelo

PATAY ang dating barangay chairman at kagawad sa isang bayan sa Zamboanga City matapos magbarilan sa harap mismo ng isang mosque sa nasabing lalawigan.

Kinilala ang biktima na si Harun Dimarunsing, 89, dating kapitan sa Barangay Sta. Barbara makaraang magtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan.

Pauwi na si Dimarunsing sakay ng kanyang sasakyan mula sa mosque nang tambangan ng suspek na si Rasil Dakman, 41, ng Barangay Sta. Barbara, namatay din sa insidente nang mabaril muna ng biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na bago pa man napatay si Dimanrunsing ay una na nitong napatay ang anak ng isang barangay kagawad sa Barangay Rio Hondo sa Zamboanga City na si Al-Jamar Rashid, 24.

Inaalam na ng pulisya kung may kaugnayan sa krimen ang nasabing insidente.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply