Ex-MRO ng LTO-NCR, bagong asst. chief ng QCDO

ITINALAGA na bilang bagong Assistant Chief ng Quezon City District Office (QCDO) ang dating Media Relation Officer ng National Capital Region-Land Transportation Office (NCR-LTO).

Pinalitan ni Jason Salvador, dating (NCR-LTO-MO) si dating QCDO Ferdie Magno na nailipat naman sa  Manila West District Office (MEDO).

Ayon kay NCR-LTO Director Teofilo Guadiz III, ang pagkakatalaga kay Salvador bilang bagong assistant chief ng (QCDO) ay bahagi ng patuloy na paglilinis sa loob ng ahensiya.

“Tuloy-tuloy po kasi ang enhancement process natin sa NCR, kaya from time to time meron tayong changes and movement and transferring of personnel for better public service,” ayon kay director Guadiz.

“Lalo na yung may pending cases dito sa region aalisin natin yun at bibigyan natin ng pagkakataon yung mga young blood at more qualified to perform,” dagdag pa ni director Guadiz.

Sinabi pa ni Director Guadiz na asahan aniya na sa mga susunod na linggo ay magkakaroon muli ng galawan sa ahensiya dahil ang liderato aniya ng NCR-LTO ay patuloy sa kanilang ginagawang evaluation sa trabaho ng kanilang mga tauhan mula sa District hanggang sa mababang posisyon upang matiyak na pinanatili ang integridad ng ahensiya at masiguro na maayos nilang ipinatutupad ang tunay na serbisyo publiko.

Sinabi naman ni Salvador na tanggap niya ang bagong posisyon bilang bagong assistant chief ng (QCDO).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply