Ex-officer ng militar nasa likod ng ‘red scare tactic’ sa AFP

NANGANGALAP umano ang isang grupo ng mga dating opisyal ng militar ng mga aktibong opisyal at sundalo na tangkang pabagsakin ang pamahalaan ni Pangulong Benigno Aquino III at makabalik sa kapangyarihan.

Ito umano ang pahayag ni Senador Antonio Trillanes sa mga mamamahayag kaugnay ng isang impormasyon na kanyang natanggap mula sa kanyang mga dating kasamahan sa militar at gumagamit umano ng “red scare tactic” ang mga ito sa paglalabas ng mga maling impormasyon na ang rehimen ni Aquino ay maka-komunista.

Sinabi ni Trillanes na maraming sundalo na ang nilapitan at isang opisyal na nagsumbong sa kanya na inalok ito ng halaga at posisyon subalit ‘di kumagat sa alok ng mga diumano’y mga retiradong opisyal ng militar.

Nagsimula umano ang pagre-recruit noong isang taon subalit ayon sa tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Col. Arnulfo Marcelo Burgos sa Kampo Aguinaldo ay wala silang nakukuhang impormasyon na ganito at nananatili umanong malakas ang chain of command. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply