Ex-Palawan gov, 4 pa isinailalim sa LBO

ISINAILALIM sa “look-out bulletin order” (LBO) ng Department of Justice sa Bureau of Immigration si dating Palawan Governor Joel Reyes at apat iba pa na sangkot sa pagpatay sa dating broadcaster at environmentalist na si Dr. Gerry Ortega.

Sa dalawang pahinang memorandum na ipinalabas ni Justice Secretary Leila de Lima, inatasan nito ang Immigration officers na imonitor at ireport sa DoJ kung may balak si Reyes na lumabas ng bansa.

Bukod kay Reyes, inatasan din ni de Lima na isailalim sa LBO ang kapatid ng nabanggit na si Coron, Palawan Mayor Mario Reyes, dating provincial administrator; Romeo Seratubias; Arturo Regalado at Valentin Lecias.

“In light of the on-going investigation, you are hereby directed to instruct all immigration officers to be on the lookout for the following accused, should any of them pass through the immigration counters in any of our international airports and/or seaports,” ayon sa memorandum.

Hindi naman isinama ni de Lima si Marinduque Governor Jose Antonio Carrion matapos absuweltuhin ng 3 man panel na nagsagawa ng reinvestigation sa kaso ni Ortega.

Sinabi rin ni de Lima na ang LBO ay para lamang sa monitoring purposes at hindi inaatasan  ang  immigration officers, airports at seaports na pigilan ang mga akusado na makalabas ng bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply