Ex-Palawan gov. Reyes hinahanting ng PNP tracker teams

HINAHANTING na ng tracker teams ng Philippine National Police (PNP) si dating Palawan governor Joel Reyes na tumangging sumuko matapos iutos na dakpin siya at ilan pang akusado sa pagpatay sa environmentalist at brodkaster na si Dr. Gerry Ortega noong Enero 2011.

Binuo ang tracker teams nang tumanggi si Reyes na isuko ang sarili sa kabila ng ipinalabas na arrest order na inisyu ni Judge Angelo Arizala ng Palawan Regional Trial Court Branch 52.

“The police will enforce the law without fear of favor. We have formed tracker teams to implement or serve the warrant,” pahayag ni PNP spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr

Walang inirekomendang piyansa para kay Reyes at sa iba pang akusado sa krimen.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo si Reyes kahapon (Marso 30) ng umaga na harapin na lamang ang kasong kinakaharap at sinabi na ang pagtatago ay hindi makatutulong sa kanyang kaso.

Matatandaan na si Dr. Ortega, 47-anyos, ay binaril ng suspek na si Marlon Recamata sa harapan ng isang tindahan ng ukay-ukay sa Puerto Princesa City noong Enero 24, 2011.

Naaresto agad si Recamata at sinabi na inupahan ang kanyang grupo para patayin si Ortega kapalit ng P150,000.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply