Ex- vice mayor, asawa patay sa ambush

NASAWI ang dating bise-alkalde ng Lingayen, Pangasinan at asawa nito makaraang pagbabarilin sa Maynila.

Sa inisyal na imbestigasyon, binisita ni Ramon Arcinue at asawa nitong si Zorahyda ang kanilang anak sa isang apartment sa 831 Maceda Street sa Maynila dala ang kanilang pasalubong ngunit pagbaba umano sa kanilang sasakyan ay pinagbabaril ito ng mga suspek na mabilis ding tumakas.

Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply