Examiner ng BSP pina-contempt ni Enrile

PINA-CONTEMPT ni Senate President Juan Ponce Enrile ang bank examiner ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) matapos mapatunayang nagsinungaling ito sa hiwalay na imbestigasyon ng Senado kaugnay ng kontrobersyal na leakage ng bank records ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sa pagdinig ngayon ng Senate committee on banks, financial institutions and currencies na pinamumunuan ni Sen. Serge Osmeña, mismong si Enrile ang nagsulong ng motion to contempt matapos makumbinsi na nagsisinungaling si BSP bank examiner Jerry Leal nang aminin nito na nagkaroon siya ng access sa bank records ni Corona taliwas sa kanyang unang pahayag na hindi napasakamay ng BSP ang mga record ng punong mahistrado.

Dahil sa pag-amin ni Leal, nagkaroon ng access ang BSP sa mga bank record ni Corona kaya lumakas ang hinala ni Enrile na may kinalaman ang ahensya sa kontrobersiyal na leakages na siyang ginamit sa impeachment case laban sa punong mahistrado.

Gayunman, aminado si Enrile na hindi pa rin maia-apply dito ang tinatawag na “fruit of the poisonous tree” o mapawalang bisa ang mga ebidensyang napasakamay ng impeachment court dahil sa naturang leakage.

Samantala, binigyan muna ng hanggang sa araw ng Lunes (Marso 5) si Leal na magsumite ng kanyang paliwanag kung bakit hindi dapat patawan ng contempt sa kanyang pagsisinungaling sa committee.

Sa magiging paliwanag ni Leal ibabatay ng mga miyembro ng committee ni Osmeña kung dapat bang i-contempt ang opisyal ng BSP.

Sakaling tuluyang ma-contempt makukulong si Leal sa Senado hanggang hindi ito nakikipagtulungan o nagsasabi ng katotohanan sa imbestigasyon ng kapulungan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply