Exhibitionist na mister kalaboso

SWAK sa kulungan ang isang 28-anyos na manyakis matapos laruin ang ari habang binobosohan sa banyo ang kanyang kapitbahay na bebot sa Caloocan City kahapon (Miyerkules, Pebrero 29).

Kinilala ang suspek na si Jenry Gamo y Corpuz, 28, may asawa at taga-KBS compound Dagat-dagatan ng lungsod.

Ayon sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon ng maganap ang pamboboso ng suspek sa biktimang si Susan Caes, 22, may asawa at residente rin ng nasabing lugar.

Nabatid na naliligo ang biktima nang bosohan ng suspek sa maliit na siwang sa banyo na agad na napansin ng biktima.

Dali-daling nagbihis ng damit ang biktima at paglabas niya sa banyo ay nakita ang suspek na nakalabas ang ari na nilalaro sa harapan niya.

Sa takot ng biktima tumakbo siya palabas para humungi ng tulong sa kapitbahay na nagkataon naman napadaan ang mga barangay tanod na sina Mario Gonzales Amelia Barrion kaya binitbit si Jenry sa himpilan ng Caloocan police.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply