Extension sa visa-free stay ng mga turista ipinatupad

PINAHABA pa ng pamahalaan ang mga araw para sa mga dayuhang nagmula sa 166 bansa habang nasa Pilipinas kahit walang visa.

Sa pahayag ng Department of Tourism (DoT), pumayag ang government agencies palawigin pa ng hanggang 30 araw ang pananatili ng mga turista sa bansa para mas maraming turista pa ang mahikayat na magtungo sa Pilipinas.

Matatandaan na hanggang 21 araw lamang pinapayagang manatili sa Pilipinas ang mga turista na walang visa.

Isinagawa rin ang nasabing hakbangin sa paniniwalang sa ganitong paraan ay matutupad ng bansa ang target na 10 million foreign visitors hanggang 2016.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply