Fare discount sa mga estudyante ituloy kahit holiday

SINUPORTAHAN ng House Committee on Transportation ang House Bill 90 ni Aurora Rep. Juan Edgardo Angara na ituloy pa rin ang pagbibigay ng 20% discount sa mga estudyante kahit Sabado, Linggo, Christmas vacations at iba pang holidays sa loob ng isang school year.

Ani committee chair at Southern Leyte Rep. Roger Mercado, makatutulong sa mga mag-aaral lalo na sa  mga indigent ang discount para maging magaan ang pagpasok sa eskwelahan.

Sinabi naman ni Angara na sa pamamagitan ng diskwento ay mababawasan ang matinding impact ng kahirapan, hindi lamang sa mga mag-aaral kundi maging sa mga magulang na nagtataguyod sa kanilang mga anak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply