Fare hike decision ng LTFRB naudlot sa welga

MULING naudlot ang nakatakdang desisyon sana ng Land Transportation Franchising and  Regulatory  Board (LTFRB) kaugnay sa petisyon ng jeepney drivers at operators ukol sa fare increase dahil sa ikakasang welga bukas ng iba’t ibang transport group.

Sa  panayam, sinabi ni LTFRB Chairman Jaime Jacob, marami pa rin silang ikinokonsiderang mga bagay kaya hindi sila makapaglabas agad ng desisyon para rito.

Gayunman, hindi aniya matatapos ang linggong ito ay malalaman na kung papayagan nilang maitaas ang 50 cents na fare increase na nais ng jeepney group na itaas sa P8.00 minimum fare o gawing P8.50 ang minimum fare sa jeep.

Si Jacob ay nagtungo kaninang umaga sa DOTC para kausapin din ang mga opisyal doon hinggil sa kung ano naman ang pananaw nila hinggil sa hinihinging fare increase ng jeepney group.

Binigyang diin ni Jacob na kung sila ay magdedesisyon sa pagtataas ng singil sa pasahe ay kailangan muna nila itong upuang mabuti dahil kapag nagkaroon ng fare hike, ang mga maliliit na mamamayan ang maapektuhan.

“Hindi ngayon, pero ngayong linggong ito, sigurado na may decision na kami,” pahayag ni Jacob.

Una rito, sinabi ng militanteng transport group na Piston na hindi naman sagot sa kanila ang 50 cents fare increase dahil kahit maibigay ito ay tuloy ang kanilang mga pagkilos dahil ang kanilang hiling ay maamyendahan ang oil deregulation law na siya ang ugat ng serye ng oil price hike at ang pag-aalis sa 12 percent Evat sa langis.

Kung tataasan din lang aniya ang singil sa pasahe sa jeep,  ayon sa naturang grupo, dapat ay P1.00 ang itaas sa pasahe sa jeep dahil sa naganap na overpricing sa halaga ng oil products.

Kapag nagtaas anya ang presyo ng gasolina at diesel ng P1.00 hanggang P2.00 bawat litro, ang nangyayari kapag may rollback ay 25 cents hanggang 50 centavos lamang ang rollback kayat malaki pa rin ang kita ng mga oil companies.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply