Fare hike sa bus, MRT at LRT ikinukonsidera

IKINUKONSIDERA ng Department of Transportation and Communications ang pagpapatupad ng fare hike sa pampublikong bus, MRT at LRT.

Ito ang sinabi ni Transportation and Communications Secretary Mar Roxas, kasunod nang pagbibigay-daan sa 50 sentimos na pagtaas ng pasahe sa pampublikong dyip para sa unang apat na kilometro ng biyahe.

Ani Roxas, malaki ang maitutulong sa gobyerno kung mababawasan na ang subsidiyang inilalaan ng pamahalaan para sa biyahe ng tren sa Kalakhang Maynila.

Sinabi rin ng kalihim na mas mababawasan ang mga aberya sa MRT at LRT kung may sapat na itong pondo para sa mas regular maintenance check at pagpapalit ng ilang kinakailangang pasilidad sa mga istasyon.

Ayon pa kay Roxas pinag-aaralan ng DOTC ang pagbibigay ng 50 sentimos na provisional fare increase sa pampublikong bus.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply