FASAP nangangamba sa desisyon ng SC

NANGANGAMBA ngayon ang Flight Attendants and Stewards Association of the Philippines (FASAP) matapos maglabas ng desisyon ang Korte Suprema na nagpaparepaso ng kaso ng kanilang grupo laban sa Philippine Airlines (PAL).

Matatandaan na pinaboran noon ng Supreme Court ang FASAP, ngunit matapos magpadala ng liham ang abogado ng PAL, nabaliktad ang desisyon ng hukuman na ire-review muna ang kaso bago tuluyang maglabas ng final ruling.

Sinabi ni FASAP vice president Andy Ortega na nangangamba ang kanilang grupo na hindi na sa kanila pumanig ang Korte at sa halip ay sa airline company.

Hindi na rin napigilan ni Ortega ang kanyang damdamin at sinabi na tila pinaglalaruan lang sila, at inihambing pa nito sa larong basketball ang kanilang kaso at dalawang “overtime play” nang nanalo ang FASAP, ngunit pinagkakaitan pa rin ng hustisya.

Idineklara ng korte ang pagwawalang-bisa sa resolusyon noong Setyembre 7, 2011 na pagbabayad ng PAL ng kabuuang P3 bilyon para sa 1,400 attendant na naapektuhan ng retrenchment.

Ilan sa mga justices na lumagda pabor sa pagre-review ay sina Justices Lucas Bersamin, Diosdado Peralta, Arturo Brion, Jose Perez, Jose Mendoza, at Bienvenido Perez. Ang dalawang justices naman na tumutol ay sina Justices Maria Lourdes Sereno at Estela Perlas-Bernabe.

Lumalabas na 7-2 ang pumabor sa muling pag-review ng kaso ng grupong FASAP laban sa PAL sa botohan ng SC en banc. (Johnny F. Arasga)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply