Fat boys ng GSIS

SOBRA-SOBRA pala ang mga sweldo at benepisyong tinatanggap ng mga opisyales ng Government Service Insurance System (GSIS) na pinamumunuan ni President and General Manager Robert Vergara.

Matatandaan na noong unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino ay binira niya ang sobra-sobrang allowances, sweldo at mga benepisyo na ibinibigay ng mga taga-GOCCs sa kanilang sarili.

Naging mainit na isyu ang nadiskubreng “fat allowances” ng mga GOCC na bunga na rin ng pagiging exempted nila sa Salary Standardization Law.

Bilang aksyon ay agad na ipinasa ang GOCC Law na siyang nagtatakda naman ng limitasyon at kontrol sa paggamit ng pondo ng mga korporasyon ng pamahalaan.

Subalit sa kabila ng pagkakapasa ng GOCC Law ay patuloy pa rin daw ang pagbibigay ng GSIS ng mga runaway benefit at pension sa mga nagretiro nang mga opisyal nito.

Base sa rekord, lumalalabas na tumatanggap ng sweldong P300 libo kada buwan ang mga Executive Vice President (EVPs), P250 libo naman ang mga Senior Vice President (SVPs) at P200 libo naman kada buwan ang mga Vice President (VPs).

Whew!! Grabe naman pala ang taas ng sweldo ng mga opisyal diyan sa GSIS.

Kung ganyan ang tinatanggap nila, magkano naman kaya ang kay Vergara mismo? Sure ako mas bagyo ang kanya dahil siya ang bossing ng fat boys na ito!

By the way, ano ba ang pagkakaiba nang trabaho ng EVPs, SVPs at VPS?

Ba’t di na lang tanggalin ang ibang puwesto para naman makatipid and GSIS at maibato sa mga miyembro ang perang matitipid nila?

Ang siste nito, ang problema nang mataas na sweldo ay nagpapatuloy hanggang magretiro ang mga opisyal ng GSIS dahil lumalabas na dahil sa laki ng sweldo
nila ay napakataas din ng pensyon nila.

Kung sakaling magretiro na ang mga “pinagpalang” opisyal ay makatatanggap sila ng hanggang 90 porsiyento ng kanilang sweldo kaya tuloy ang ligaya nila dahil hindi pa rin bababa sa P200 libo kada buwan ang matatanggap nilang pension.

Nagiging dahilan tuloy ang sobrang taas na mga retirement benefit na ito para maapektuhan ang ilang serbisyong dapat ibi-gay ng ahensiya sa mga miyembro nito.

Mukhang kailangang silipin at pigilan na ni Pangulong Noynoy ang nangyayari na kabulastugan sa GSIS dahil nalulusutan nila ang GOCC Law.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply