FDA binatikos sa pagpasok ng drugs

BINATIKOS ng mga consumer ang Food and Drug Administration (FDA) dahil sa kawalan nito ng tamang focus para pigilan ang pagpasok ng mga gamot sa bansa ng hindi dumaan sa masusing pagsusuri upang malaman kung safe o hindi ang mga ito.

Ang nasabing pagpuna sa FDA ay bunsod ng napaulat na pagkamatay ng mahigit sa isang daang katao at pagkakasakit ng mas marami pa na naganap sa Lahore, Pakistan noong Enero ng taong kasalukuyan.

Sa naturang ulat, marami ang naapektuhan dahil sa pag-inom ng gamot para sa puso.

Napag-alaman na ang mga naturang gamot ay hindi sumailalim sa masusing pagsusuri kung safe o hindi.

Ito dapat ang binibigyan pansin ng naturang ahensya ng gobyerno, ang suriin ang mga gamot na pumapasok sa bansa dahil ang FDA ay hindi nagagampanan ang kanyang trabaho tungkol sa pag-iingat na huwag siyang mapalusutan ng pagpasok ng mga gamot na may problema sa kalidad.

Ang FDA ay hindi man lamang iniinspeksyon ang mga gawaan ng gamot sa ibang bansa. Talo pa ng mga FDA sa Africa at Asya.

Ayon sa consumer group, ang FDA ay masyadong nakapokus sa pag-estima kung sumusunod ang mga botika sa pagbibigay ng gamot sa mga mamimili na merong reseta na katumbas.

Maraming umangal na mga botika dahil sa paghihigpit ng FDA sa naturang alituntunin samantalang nakaliligtaan nito ang mas malaking problema sa pagpasok ng mga gamot sa bansa nang hindi dumaan sa quality tests.

“Mali ang pokus ng FDA dahil ito ay masyadong nalilihis sa naatasang trabaho nito na pag-regulate ng mga pumapasok na gamot sa bansa,” sabi ng isang consumer group.

Bakit, anila, masyadong binibigyan ng pansin ng FDA ang mga isyu sa reseta kung saan dapat ay may reseta ang mga bumibili ng gamot at nakaliligtaan nito ang mas malaking isyu tungkol sa pagpasok ng gamot dito?

Napag-alaman na ang FDA ay nagpapataw ng malaking penalty sa mga botika pag hindi sila sumunod sa alituntunin na magbibigay lang ng gamot ayon sa reseta.

Sabi nila, limampung libong piso ang ipinapataw na penalty sa mahuhuling nagbibigay ng gamot nang walang reseta.

Ang siste nito, marami ang mamimili na nakaliligtaan ang kanilang reseta at kung pang-isahan o pangdalawahan na araw lamang ang binibili, kelangan pa bang maging istrikto sila, tanong ng consumers group.

Dapat atupagin ng FDA na huwag siyang mapalusutan ng mga gamot na may mga deperensiya sa paggawa at baka magkaroon ng pangyayari na kung saan marami ang nangamatay dahil sa pag-inom ng gamot na walang kalidad.

Ito ang dapat suriin ng FDA at pag-aksayahan ng panahon at hindi ang mga reseta, sabi ng consumer group.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply