FDA nagbabala vs 56 banned beauty products

NAGBABALA ngayon ang Food and Drugs Administration (FDA) sa publiko hinggil sa patuloy na pagkalat sa merkado ng may 56 pang beauty products na matagal na nilang ipinag-utos na ipagbawal na ipagbili at gamitin.

Ayon sa FDA, sa susunod na linggo ay magpapalabas muli sila ng listahan ng mga beauty product na ipinagbabawal at posibleng patago pang ibinebenta sa lokal na pamilihan.

Karamihan umano sa mga naturang beauty product tulad ng lipstick, face powder, pabango at mga skin whitening cream ay galing sa Japan, Hong Kong at China.

Aminado si Suzette Lazo, acting director IV ng FDA, na nahihirapan silang tuluyang mapaalis sa merkado ang mga banned beauty products.

Sa sandali kasi aniyang matalikod lamang sila ay kaagad nang nagbabalikan ang mga ito sa merkado.

“It’s really difficult because once we turn our backs, they’re back in the market,” ani Lazo.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Lazo na patuloy ang monitoring ng FDA sa merkado.

Sa susunod na linggo nakatakdang magpalabas ng isang ordinansa upang mas maging epektibo ang ginagawang monitoring sa toxic cosmetics.

Matatandaan na ilang cosmetic products ang ipinagbawal nang ibenta at gamitin ng FDA matapos lumabas sa kanilang pagsusuri na mayroon itong mataas na lead, mercury content at toxic chemicals.

Pinayuhan rin ng FDA ang publiko na bumili lamang ng mga make-up at iba pang cosmetic products sa mga lisensiyadong retailer at tindahan

Hinikayat din ng ahensya ang publiko na tumawag sa kanilang hotline number 165-332 upang malaman kung ang kanilang ginagamit na produkto na gawa sa ibang bansa ay kabilang sa listahan ng banned products. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply