Ferrari, Maserati– here to stay!

IT’S official! Nasa Pilipinas na nga ang dalawa sa mga pinakapipitagang luxury at race cars sa buong mundo— ang Ferrari at Maserati.

Noong Huwebes ay pormal nang inilunsad ang Autostrada Motore Inc.,, ang official dealer ng Ferrari at Maserati sa Pilipinas, sa showroom nito sa The Fort. Ang Autostrada Motore ay bahagi ng grupo ng mga luxury car companies na pag mamay-ari ng kilalang business man na si Willie Soong.

Kasabay ring nilunsad ang mga bagong modelo ng Ferrari at Maserati— ang Ferrari 458 Italia at ang Maserati Gran Turismo S. Ayon sa executive director ng Ferrari for Autostrada Motore na si Marc Soong, patikim palang ang Ferrari 458 Italia, at sa mga darating pang buwan, asahan daw ang pagdating ng iba pang modelo ng Ferrari, kasama na riyan ang pinakabagong Ferrari Berlinetta.

Ani ni Willie Soong, ang big boss ng Autostrada Motore, “The Ferrari is here to stay.”  Matapos ang mahabang panahon ng paghihintay, wala na daw mas sasarap pa sa pakiramdam na ang isang bagay na matagal pinaghirapan at hinintay, ay nariyan na at tiyak na mananatili ng matagal na panahon.

Likas nang sportscar lovers ang mga Pinoy—higit lalo na ng Ferrari o kay ng Maserati. Kaya naman, ang Autostrada Motore ay bukas sa publiko at maaaring bisitahin ang kanilang showroom sa 32nd street cor. 4th Ave., Crescent Park West, Bonifacio Global City, Taguig.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply