Fil-Am Jessica Sanchez nakaligtas sa elimination ng American Idol

MATAPOS mapa-wow at magkamit ng standing ovation mula sa Idol Judges para sa mahusay na rendition ng “I Will Always Love You,” ay nakaligtas sa elimination round ng American Idol ang Filipina-American na si Jessica Sanchez.

Magpapatuloy pa sa susunod na round ng kompetisyon si Jessica.

Natapos naman ang Idol journey ng Latino na si Jeremy Rosado matapos na makakuha ng pinakamababang boto.

Sa girls, ang may pinakamababang boto ay sina Elise Testone, Shannon Magrane at Erika Van Pelt. Sa boys naman ay sina Rosado, Jermaine Jones at Joshua Ledet.

Napiling bottom two ay sina Rosado at Testone na humarap pa sa kina idol judges Jennifer Lopez, Steven Tyler at Randy Jackson.

Pinili ng judges si Testone na manatili pa sa kompetisyon.

“We’ve come to the decision that we’re going to save Elise,” ani J-Lo na siyang napiling magsalita kung sino ang ililigtas.

Kahapon (Huwebes, Marso 8, petsa sa Pinas) inawit ng mga babae ang mga pinasikat na kanta ni Whitney Houston habang ang mga lalaki naman ang mga awitin ni Stevie Wonder.

Nag-stand out ang performance ni Jessica na umani ng papuri mula sa milyong-milyong manonood ng American Idol.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply