Fil-Am Jessica Sanchez nangunguna sa isang Hollywood site

MATAPOS na magpakitang gilas at makapasok sa Top 13 ng American Idol, nakatutok ngayon ang mga mata ng mga taga-Hollywood sa Filipino-American na si Jessica Sanchez.

Patunay nito ang survey ng Entertainment Weekly. Ayon sa site, pinili ng mga fan na manguna si Jessica sa 13 finalist ng pinakasikat na singing contest sa mundo.

Bukod pa diyan, si Jessica ang isa sa napipisil na mag-uuwi ng titulo ngayong taon, base sa mga panayam at surveys ng iba’t ibang media networks.

Kung sakaling magtuluy-tuloy ang magandang nasimulan ni Jessica, baka siya na nga ang tatapos sa pagdomina ng mga kalalakihan sa American Idol. Sa nakalipas na apat na season ay magugunitang boys ang nanaig matapos na mag-champion sina David Cook (Season 7), Kris Allen (Season 8), Lee DeWyze (Season 9) at Scotty McCreery (Season 10).

Abangan bukas (Marso 8, petsa sa Pinas) ang performance ng 16-anyos na si Jessica nang makita kung gaano siya kahusay.

Hula nga ng maraming netizen ay dodominahin ng Fil-Am ang elimination round this week kung saan aawitin ng girls ang mga pinasikat na kanta ng yumaong si Whitney Houston, habang ang boys ay aawitin ang kanta ni Stevie Wonder.

Maaari ring mapanood si Jessica sa YouTube at mamamangha kayo sa renditon niya ng iba’t ibang sikat na kanta gaya ng Rolling In The Deep (ni Adelle) at Skyscraper (ni Demi Lovato).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply