Fil-Swedish niratrat, utas

HUMILATA na parang mga isdang ibinebenta sa loob ng palengke ang isang Filipino-Swedish businessman nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakikilalang armadong kalalakihan sa Kidapawan City kaninang umaga.

Namatay noon din ang biktimang si Patrick Kon Weneger, 39-anyos, may asawa, buy and sell agent at residente ng Makilala, North Cotabato, dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan.

Matapos ang pagkakasa ng krimen, agad na umeskapo ang dalawang suspek lulan ng walang plakang motorsiklo at inilarawang nasa 30-35 anyos.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-7:45 ng umaga sa loob ng isang palengke na nasa Villa Marzo Street sa Kidapawan City.

Ayon sa ulat ng pulisya, bago ang pamamaril ay mag-isang namamalengke ang biktima nang biglang lapitan at pagbabarilin ng mga suspek.

Isa sa mga motibong tinututukan nina Kidapawan City Mayor Rodolfo Gantuangco at Kidapawan City police P/Supt. Renante Cabico ay tunggali sa negosyo dahil namamayagpag ang negosyo ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply