Flashfloods, landslides nagbabanta sa Luzon

PINANGANGAMBAHAN ang nakaambang flash floods at landslides bunsod ng tail-end ng cold front sa apat na lugar sa Luzon.

Dahil dito, pinaalalahanan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang mga residente na maging alerto at matinding pag-iingat sa pagbaha at landslides.

Sa kanilang 11 a.m. advisory, makararanas pa ng makakapal na ulap na may pag-ulal, pagkulog at pagkidlat sa Northern at Central Luzon.

Mararanasan ang pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Quirino, at Aurora.

“Residents living in low-lying areas and along mountain slopes are advised to be on alert for possible occurrence of flash floods and landslides,” pahayag pa ng Pagasa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply