Flavored malt drink ipagbabawal

NAIS ng isang mambabatas na maipagbawal ang pagbebenta sa bansa ng isang inumin na hindi lang nakakalasing kundi maaaring ikamatay ng isang tao.

Itinulak ito ni Sen. Miriam Defensor dahil nauuso ngayong inumin lalo na sa mga kabataan ang flavored malt drink, isang inumin na pinaghalong caffeine at alcohol, lingid ang peligrong dulot nito sa kanilang kalusugan.

Ayon kay Santiago, ipinagbawal na sa isang state ng Estados Unidos ang pagbebenta nito matapos nilang makumpirma na nakakamatay ang ganitong klase ng inumin kapag nasobrahan.

“Young drinkers in particular like these drinks, and over recent months, several of them have ended up in emergency rooms with high levels of alcohol poisoning,” babala ng senador.

Aniya, ipinagbawal sa State of Washington ang ganitong uri ng inumin, na may sangkap na 12% alcohol, dahil sa napaparami ng inom ang mga kabataan subalit sa bandang huli na lamang nalalaman ang sipa o tama nito sa kanilang katawan.

“The drinks were banned in Washington after nine students from the Central Washington University had to be hospitalized after consuming such drinks, with one of the nine students almost dying,”ayon sa senador.

Dahil dito, inihain ni Santiago ang Senate Bill No. 3143 upang maipagbawal sa bansa ang importasyon, paggawa, pamamahagi at pagbebenta sa lahat ng retail outlet ng caffeinated malt beverage.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply