For the second time around: Hayden pinalayas sa condo ni Dra. Vicki Belo!

TUWING hinihiwalayan ni Dra. Vicki Belo ang Papang daks (samalat sa collagen injections) na si Hayden Kho, back to zero pala-palagi ito. Parang indian giver raw kasi si Belo na lahat ng mga binigay nito sa kanyang Papang ex doctor puwera lang damit ay talagang binabawi niya. Pagkatapos, kapag nagkabalikan sila binabalik naman kaagad ito ng doktora.

As of presstime, we heard na muli na namang pinalayas nito ang dating papa sa condo sa The Fort na nagkakahalaga ng P20 million. Umalis na raw doon si Hayden at bumalik na ito sa kanyang pamilya na balitang sustentado rin buwan-buwan noon ni Belo. Aba! Kung true ang chikang ito, dapat, kung sino ‘yung susunod na guy na makakarelasyon ng nasabing sikat na celebrity doctor, hilingin nitong ilagay sa name niya ang regalo nitong property ng sa ganoon di siya mapalalayas sa condo.

Kung niregaluhan siya ng kotse, hindi ito puwedeng mabawi sa kanya. Ang alam lang namin na gumagawa ng ganito ay matrona.

Matrona na ba si Belo? Well kayo na ang bahalang sumagot gyud! By the way, going back to Hayden, kung gugustuhin lang nito na magkaroon ng career sa showbiz ay nandiyan na ang manager niya na si Carlo Orosa na well connected naman. Sabi, may offer na nga sa kanya pero dahil may problema nga itong kinakaharap ay ayaw daw muna nitong magpa-istorbo sa manager.

May attitude gyud!

***

The Buzz, may staying power kaya nananatiling number 1 sa national ratings

KUNG ang ibang showbiz talk show riyan tulad ng Paparazzi at Juiceless ay inililipat sa iba’t ibang time slot dahil katsugi-tsugi naman talaga, ang The Buzz ng Kapamilya Network that’s hosted by Asia’s King of Talk Kuya Boy Abunda, Multi Media Star Toni Gonzaga and ex beauty queen Charlene Gonzales ay may “staying power,” Yes, more than 13 years na ito sa ere pero still sila pa rin ang naghahari sa national ratings sa pagiging number one showbiz talk show ng bansa.

Lalo pa ngayong nagbagong bihis na ang said show at exciting panoorin ang segment ng bawat host like Kuya Boy’s Big Truth, Celeberity True Stories of Charlene and Toni’s segment First On The Buzz. Halos lahat ng mga topic nila every episode ay nagiging talk of the town talaga at sensational sa mga tabloid at broadsheet.

Pano mga big celebrity naman kasi ang pinag-uusapan at guests sa The Buzz kaya interesting. So do watch na ng The Buzz bukas ng 4:00 pm hanggang 6:30 pm sa ABS-CBN. Abangan din ang mga bibisita sa kanilang Kapamilya stars.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply