Forcado hari sa Magsaysay Memorial Chess Cup

NAKAPAGKAMADA si Sta. Rosa National Science and Technology High’s sophomore player Ian Jasper Forcado ng perfect 6 points para maghari sa President Ramon Magsaysay Memorial Chess Cup na idinaos kamakailan.

Ito na ang ikatlong titulo ni Forcado sa Meralco Chess Club.

Magkasalo sa 2nd at 3rd place, na may tig-apat na puntos sina Jefferson Saltorio (Eulogio Rodriguez Vocational High-Manila) at Arvin Serban (Juan Sumulong Elementary School – Antipolo).

Tumapos naman sina Clifford Cobsilen (San Isidro National High – Antipolo) at Rhal Sol Cruz (La Salle – Mandaluyong) sa ika-apat at ikalimang puwesto na may tig-3.5 points habang ang ipinagmamalaki ng Ramon Magsaysay High-Cubao na sina Mark Villarante at Michael Alcantara ay tumapos ng tig-tatlong puntos para sa 6th at 7th place.

Ang torneo ay bilang paggunita sa death anniversary ng great Filipino leader na si dating Pangulonng Ramon Magsaysay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply