Ford Fiesta sumirko: CEO sugatan

SUGATAN ang isang 39-anyos na chief executive officer (CEO) sa isang kumpanya makaraang bumaligtad ang minamanehong Ford Fiesta sa Binondo, Maynila kaninang madaling araw, Marso 17.

Kinilala ang biktima na si Jonald Santos, residente ng Sta. Ana, Maynila, na nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan matapos bumangga sa gutter ang kanyang pulang sasakyan.

Sa lakas ng pagkabangga, bumaligtad at nawasak ang kanyang sasakyan.

Base sa pahayag ng biktima, galing siya sa Binondo area at paakyat na sana siya ng Jones Bridge nang mangyari ang aksidente.

Hinihinala aman ng rumespondeng traffice enforcers ng Manila Police District (MPD)na nakainom ang biktima dahil nangangamoy alak pa ito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply