Foreign airlines umangal sa taxes

UMALMA ang ilang foreign airlines na nag-o-operate sa bansa dahil sa ilang uri ng buwis na ipinapataw ng gobyerno.

Dahil dito hinikayat ng International Air Transportation Association (IATA) ang pamahalaan na ibasura ang common carriers tax at gross Philippine billings duties na kanilang ipinapataw.

Inihayag ng IATA) na sakaling maalis ang naturang mga uri ng buwis ay lilikha ito ng libu-libong bagong trabaho at tataas rin ng P3.3 billion ang kita ng bansa mula sa inaasahang pagtaas ng tourist arrivals.

Naniniwala ang IATA na dahil sa mga naturang tax ay nababalam ang paglago ng sektor ng turismo sa bansa. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply