Formal talks sa MILF itutuloy ng pamahalaan

NAGKAISA ang pamahalaan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ipagpatuloy ang formal peace talks sa susunod na buwan.

Ito ang napagkasunduan ng peace panels matapos ang 26th formal exploratory talks sa Kuala Lumpur, Malaysia kanina.

Sa magkasamang pahayag ng GPH at MILF, inamin ng mga ito na laman ng pulong ngayong gabi lamang ang substantive issues kabilang na ang power sharing at hatian sa kayamanan.

Inaprubahan din ng magkabilang panig ang kahilingan ng Office of the Secretary-General of the Organization of Islamic Cooperation (OIC) na umupo bilang observer sa peace talks ng GPH at MILF.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply