Foster Care bill ratipikado na ng Senado

NIRATIPIKAHAN na ng Senado ang Senate Bill No. 2486 o mas kilala sa Foster Care Bill.

Ito ay matapos ang mabilisang pagkasundo ng mga senador at kongresista na plansahin ang ilang hindi magkakatugmang probisyon ng panukala sa isinagawang bicameral conference hearing upang mahabol ang ratification bago mag-adjourn ang session ng Kongreso.

Ayon kay Senate Majority Leader Tito Sotto, ito na ang pinakamabilis na bicam sa kasaysayan.

Layunin ng panukala na bumuo ng sistema ang pamahalaan para isulong ang pangangalaga sa kapakanan ng mga batang palaboy sa lansangan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply