Gapangan sa mga senador itinanggi

HINDI kailanman gagapangin ng prosekusyon ang senator-judges ngayong Semana-Santa habang nakabakasyon ang Kongreso para makuha ang pagboto nila at mapapanagot si Chief Justice Renato Corona na nahaharap sa impeachment trial.

Ipinaliwanag ni Isabela Rep. Giorgidi Aggabao, isa sa prosecutors na walang backroom operator ang palasyo para kumilos at ligawan ang mga senador.

Mahihirapan din aniya ang sinuman na gapangin ang senator judges dahil may sarili silang pag-iisip at paninindigan.

Naniniwala naman si Aurora Rep. Sonny Angara na magpapasya ang mga hukom batay sa mga ebidensya at hindi sa panliligaw ng administrasyon kapalit ng tiket para sa darating na eleksyon.

Sa panig naman ng isa pang miyembro ng prosecution panel, hindi malayong magkaroon ng gapangan  dahil papalapit aniya ang 2013 elections.

Naunang nagbabala si Senator Judge Miriam Defensor-Santiago na posibleng samantalahin ang “gapangan” sa Senado, para tuluyang ma-convict si Corona.

Kabilang aniya sa posibleng gawing pang-akit sa mga hukom ay “slot” sa 2013 senatorial team ng administrasyon.

Ani Tugna, kung magkakaroon man aniya ng gapangan ay tiyak na hindi ito manggagaling sa prosesuksyon dahil tiyak nilang malakas ang kanilang kaso laban kay Corona.

Higit sa lahat, iginiit ni Tugna na malaki ang paggalang at tiwala ng prosekusyon sa senator judges at kung anuman ang maging paghatol ng mga ito sa impeachment case ni Corona ay handa nilang tanggapin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply