Gas exploration sa Recto Bank tuloy – PNoy

ITUTULOY ni Pangulong Benigno Aquino III ang planong gas exploration sa Recto Bank (Reed Bank) sa West Philippines Sea.

Sa katunayan aniya ay nagsimula na ang exploration bago pa man siya naupo sa puwesto noong 2010.

“The exploration has been ongoing even before I assumed office. Recto Bank is not part of the Kalayaan Island Group. Recto Bank became a point of contention only after the 2009 publication of China’s 9-dash theory,” ayon sa Pangulo.

Tugon pa rin ito ng Malakanyang sa harap ng mahigpit na protesta ng Taiwan dahil nasa sa kanilang posisyon ang pinagtatalunang Spralys ang Recto Bank.

Ipinaalala nito sa Taiwan na hindi kasama sa disputed territories ang Recto Bank at malinaw na sakop ito ng teritoryo ng Pilipinas.

Samantala, welcome naman sa Pangulo ang pahayag ng bagong Chinese ambassador to the Philippines na hindi gagamit ng pwersa ang China sa Spratlys.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply