Gas stations na nagtitinda ng alak, yosi iimbestigahan

IIMBESTIGAHAN na ng Sanguniang Panglungsod ng Cagayan de Oro ang mga gasoline station na nagbebenta ng alak at sigarilyo sa kanilang lungsod.

Nabatid na halos karamihan ng gasolinahan sa lungsod ay nagtitinda ng alak at sigarilyo.

Maliban dito, naglalagay din ang mga gasolinahan ng mga upuan at mesa kung saan maaaring kumain at mag-inuman.

Lubhang nababahala ang mga opisyal ng lungsod dahil maaaring pagmulan ito ng mga aksidente.

Ayon sa kanila, posibleng malasing ang mga nag-iinuman na kadalasan ang ilan sa mga ito ay naninigarilyo, na peligroso sa gasolinahan.

Sinabi ni Councilor Alvin Calingin na nagiging abusado na ang gasoline dealers sa lungsod dahil pinahihintulutan ang ganitong gawain.

Aniya, marami na umanong nalabag na batas ang mga gasoline dealer na dapat nang sagutin at panagutan.

Ipapatawag ng Sanguniang Panglungsod ang gasoline dealers para pagpaliwanagin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply